19

Oct 11, 2021 @ 14:59
By

Resolusyon inihain para damayan pamilya ng CHR chair

Naghain ng resolusyon ang isang solon upang himukin ang Kamara de Representantes na ipahayag ang pakikiramay nito sa pamilya ng pumanaw na si Commission on Human Rights chairperson Jose Luis Gascon.

Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun,

hanggang sa huli ay ipinakita ni Gascon ang pagiging hindi makasarili nito nang piliin na umuwi na ng bahay mula sa ospital kahit na hindi pa lubusang magaling upang may makagamit ng kanyang higaan.

“Whereas, in these trying times when the Filipino people need faith and inspiration, the steadfast leadership of Chair Chito in the Commission on Human Rights exemplified selflessness and sacrifice and inspired genuine commitment to public service,” sabi sa resolusyon.

Inihain ni Fortun ang resolusyon ngayong Lunes.

“Whereas, Chair Chito was a true nationalist, patriot and hero of our time whose life and works should be etched in the annals of our history for the present and future generations of Filipinos to know, remember and emulate,” sabi pa sa resolusyon.

Si Gascon ay naging miyembro ng 1987 Constitutional Commission na siyang sumulat ng 1987 Constitution.

Siya rin ay naging undersecretary ng Department of Education (DepEd) at miyembro ng Human Rights Victims Claims Board.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?