2

By

Resignation ni PCSO Chair Corpuz, kinukumpirma pa ng Palasyo

Sharing is caring!

Wala pang kumpirmasyon si Presidential Spokesman Harry Roque sa ulat na nagbitiw na umano sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Jose Jorge Corpuz.

Sinabi ni Roque na aalamin niya sa Presidential Management Staff (PMS) kung totoo nga bang nagsumite na umano ng resignation letter si Corpuz.

Pero sa ngayon aniya ay wala pa itong natatanggap na impormasyon o abiso mula sa Malacañang.

“I dont have information yet. I will ask the PMS kung mayroong ganitong impormasyon, ” ang maiksing pahayag ni Roque.

Si Corpuz ang isa sa PCSO official na inakusahang nasa likod ng magarbong Christmas party ng PCSO na umabot umano ng P6 milyon.

Bukod kay Corpuz, idinadawit din sa kontrobersiya si PCSO General Manager Alexander Balutan, batay sa naging expose ng isa sa kanilang director na si Sandra Cam.

Matatandaang noong Huwebes ng gabi ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang sisibaking isang chairman ng ahensiya sa loob ng linggong ito dahil sa katiwalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?