597

By

Resignation ni Montano sa TPB, tinanggap agad ni Duterte

Sharing is caring!

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB).

Sa isang text message sa media, sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go, ipinadala ang resignation letter ni Montano sa Office of the Assistant to the President at sa Presidential Management Staff (PMS).

Sinabi din nito na “accepted” na ng Pangulo ang pagbibitiw ng aktor.

Una nang kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na tinanggap na niya ang pagbibitiw ni Montano.

Sa isang pahayag, sinabi ni Montano na walang katotohanan ang mga ulat na may bahid ng katiwalian ang kontrobersiyal na Buhay Carinderia Project.

Iginiit ni Montano na dumaan sa tamang proseso ang nasabing proyekto kabilang ang ebalwasyon ng mga opisyal ng TPB at suportado rin ng kumpletong dokumento.

Aprubado din aniya ito ng mga board member ng TPB kung saan umupong chairman si dating Tourism Secretary Wanda Teo.

Nagpahayag din ito ng kahandaan sa anumang imbestigasyon patungkol sa nasabing proyekto na una nang napa-ulat na hindi dumaan sa public bidding.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?