39

Oct 24, 2017 @ 11:08

Resignation ni Bautista, ‘di na pinatagal ni Duterte

Hindi na pinaabot pa ng Malacanang sa December 31, 2017 ang pagbaba sa puwesto ni Commission on elections Chairman Andres Bautista matapos tanggapin ang pagbibitiw nito.

Sa ipinadalang sulat ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Chairman Bautista, inilahad nito na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw nito sa Comelec epekto sa lalong madaling panahon.

May petsang Oktubre 23, 2017 ang sulat ni Medialdea kay Chairman Bautista.

“Dear Chairman Bautista,

We refer to your letter tendering your resignation as Chairman of the Commission on Elections. Upon the instruction of President Rodrigo Duterte, I wish to inform you that your resignation is hereby accepted, effective immediately, ” ang sulat na pirmado ni Executive secretary Medialdea.

Matatandaang October 12 nang isumite ni Bautista ang kanyang resignation letter at hangad nitong tapusin ang kanyang trabaho hanggang December 31, 2017.

Wala pa namang report sa kung sino ang posibleng pumalit sa nagbitiw na Comelec Chairman na nahaharap sa kontrobersiya kabilang na ang probema sa pamilya. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?