259
aiza-seguerra-rodrigo-duterte
By

Resignation ni Aiza, tinanggap na ni Duterte

Sharing is caring!

Nakuha na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sulat na pagbibitiw ni Cariza ‘Aiza’ Seguerra bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC).

Sa post ni Seguerra sa kanyang Facebook account, sinabi nitong nakausap na niya si Pangulong Duterte noong Marso 5 nang ipaabot ang kanyang pagbibitiw sa NYC.

Nakipag-ugnayan aniya ito sa tanggapan ng Pangulo dahil gusto nitong personal na maiparating ang dahilan ng kaniyang pag-alis sa puwesto.

Batid aniya ni Seguerra kung paano maiiba ang istorya sa social media kaya siniguro nitong mismong sa kanya marinig ni Pangulong Duterte ang panig at rason sa pag-alis sa puwesto.

“I met with our dear President last March 5th to tender my resignation as NYC Chairperson. I coordinated with his office because I wanted to personally tell him my reason. Knowing how social media can exaggerate or twist the truth, I wanted to make sure that he’s going to hear it from me,” ang bahagi ng FB post ni Seguerra.

Naintindihan naman aniya ng Presidente ang desisyon ni Aiza at naging supportive ito na parang tatay at pinalakas ang kanyang loob.

“He was very understanding and supportive of my decision. Para siyang tatay. Nakinig, inintindi at pinalakas ang loob ko. I told him how much I valued his trust and how this experience made me appreciate public service and our public servants,” dagdag pa ni Seguerra.

Sa kanyang pamamaalam sa NYC na idinaan din sa Facebook, sinabi ni Seguerra na napakarami niyang natutunan kahit sa maikling panahon lang at hindi malilimutan ang mga magaganda niyang karanasan.

Nagbigay din ng mensahe ang nagbitiw na opisyal sa mga kabataan at hinimok na sikaping maging bahagi ng lipunan ang kanilang boses para sa pagkakaisa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?