ABANTE-TNT-sunog-area

Residential area sa San Juan, nasunog

Sharing is caring!

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa San Juan City kanina.

Ayon sa report, nag-umpisa ang sunog alas-2:40 ng hapon sa F. Manalo Street, Barangay San Perfecto.

Agad na umabot sa second alarm ang sunog bandang alas-2:56 p.m. at tumaas sa third alarm alas-3:05 ng hapon, ayon sa Twitter post ng Metropolitan Manila Development Authority.

Inaalam ng mga awtoridad ang bilang ng bahay na nasunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?