50

Residential area sa Las Piñas, nasunog; 1K pamilya naapektuhan

Sharing is caring!

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Las Piñas ngayong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, ang napabayaang niluluto ang pinagmulan ng apoy sa isang bahay sa Laong Compound, Barangay Almanza Uno.

Sabi ng Bureau of Fire Protection, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay at halos dikit-dikit.

Ilang beses na nakarinig ang mga residente ng pagsabog ng mga tangke ng LPG sa kasagsagan ng sunog kung saan dalawa ang nasugatan dahil sa insidente.

Nasa P1.5 milyon na halaga naman ang naabong mga ari-arian sa sunog kung saan nasa 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?