60

Feb 27, 2020 @ 22:06
By

Residenteng aamin na may COVID-19, may reward na P72,000

Nakaisip ng diskarte ang siyudad ng Qianjiang sa Hubei province, China para hindi matakot na lumantad ang mga residente nilang may sintomas o kumpirmadong may coronavirus (COVID-19).

Nagbibigay ng pabuyang aabot sa 10,000 yuan o mahigit P72,000 ang siyudad ng Qianjiang sa kanilang mga residenteng magre-report ng kanilang kalagayan, ayon sa CNN.

Samantala, ang mga pasyente namang pinagsususpetsahan pa lang na may virus ay makakatanggap ng 2,000 yuan o mahigit P14,000.

Nitong Pebrero 27, umabot na sa 197 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Qianjiang habang sa Hubei ay kabuuang 65,596 na.

Mahigit 2,641 naman ang namatay mula nang mag-umpisa ang epidemya sa China.

Maliban sa Qianjiang, nagbibigay din ng monetary incentive sa kanilang mga residente ang Hanyang, Jiangan, Wuchang at Shiyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?