242

Mar 20, 2020 @ 16:30
By

Residente sa Taguig sinisingil sa permit to travel

Giniit ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na walang dapat na bayaran ang sinuman sa pinatutupad na travel pass sa mga barangay.

Naglabas ng pahayag ang alkalde makaraang makatanggap umano ng ulat na may ilang barangay sa lungsod ang sumisingil sa mga manggagawa na kumukuha ng permit to travel para makalabas ng kanilang lugar alinsunod sa pinatutupad na lockdown dito dahil sa banta ng coronavirus.

“Let it be clear that Mayor Lino Cayetano ordered that NO FEES shall be imposed by the barangays on those who need passes like medical and emergency workers because they are essential workers. He has called the attention of the barangay to immediately stop said collection,” bahagi ng post mula sa I Love Taguig Facebook page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?