Residente sa Marawi, pinayagan nang makauwi ng bahay

Sharing is caring!

Maaaring nang bumalik sa kani-kanilang tahanan ang mga residente ng walong barangay sa Marawi City.

Ito’y matapos na magbigay ng ‘go signal’ ang Task Force Marawi.

Ayon sa Radyo Singko, ngayong araw ay nagsipagbalikan na ang mga residente sa tatlong barangay.

Sabi ni Task Force Bangon Marawi Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, tatlong mga barangay pa ang makakabalik sa kanilang mga bahay bukas at dalawang barangay naman sa Lunes.

Naglaan naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P1 milyon para sa Marawi rehabilitation.

Pansamantalang ipinatigil umano ang kondisyon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa lungsod tulad ng attendance sa mga eskuwelahan ng mga estudyante upang mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga residente rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?