8
views
abante-tnt-vismin-poor-family
By

Residente ng Tinoc, Ifugao makakatanggap pa rin ng 4Ps

Sharing is caring!

TINIYAK ng DSWD na matatanggap pa rin ng mga benipesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Tinoc, Ifugao ang tulong pinansiyal sa kanila sa kabila ng pagtangay ng pondo noong Lunes.

Ito, ayon sa DSWD, pagkatapos ng pag iimbestiga ng pulisya at lokal na pamahalaan sa pagkawala ng P2.7 milyon.

Ang naturang halaga ay para sa 1,269 Pantawid beneficiaries sa Tinoc.

Nabatid na nasa kustodiya ng mga tauhan ng Lagawe Multi-Purpose Cooperative ang pera nang maganap ang panghoholdap.

Ang kooperatiba ay awtorisado ng Land Bank, na awtorisado naman ng DSWD, para magdala ng cash aid sa mga 4Ps beneficiaries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?