22

Jul 16, 2021 @ 20:55
By

Residente nagkalat ng COVID sa Vietnam kalaboso

Pinarusahan ng isa’t kalahating taong pagkakakulong ang isang lalaki matapos niyang lumabag sa mga COVID-19 quarantine rule na nagresulta ng pagkalat ng virus sa Vietnam.

Ayon sa Vietnam News Agency (VNA) report, hinatulang makulong si Dao Duy Tung, 30, para sa “spreading dangerous infectious diseases” sa northern province na Hai Duong.

Matatandaang isa ang Vietnam worldwide na matagumpay sa paglaban sa COVID-19 dahil napanatili nilang mababa ang kanilang COVID-19 case at death.

Nadungisan ang record nila ng mga bagong kaso sa mga nakalipas na linggo.

Sa ulat, sinabing iligal na pumasok sa Vietnam si Tung matapos niyang manggaling sa Laos noong Abril 22. Tinakasan din niya ang 14-day quarantine rule.

Matapos umanong ipaalam kay Tung na nagpositibo ang mga close contact niya sa Laos ay hindi siya nagtungo sa medical facility para magpa-test.

Sa halip ay bumiyahe pa si Tung sa iba’t ibang siyudad, nakisalamuha sa mga tao at bumisita sa iba’t ibang lugar sa Vietnam.

Sabi pa sa NVA report, dahil sa pagpapasaway ni Tung ay nagresulta ito ng mahigit $130,000 gastos sa mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?