96

Jan 22, 2021 @ 22:34

Residente ayaw ibigay kariton pinosasan, pinadapa, sinipa ng Parañaque Task Force

Nagngitngit ang mga netizen sa na-videohan na marahas na clearing operations ng mga tauhan ng Parañaque Task Force (PTF).

Makikita sa video na ibinahagi ng DZMM Teleradyo nitong Biyernes ang paghila ng isang residente sa kanyang kariton na ayaw ibigay ng mga miyembro ng PTF.

Maliban sa pagkuha sa kariton ng residente ay puwersahan pa itong idinapa at pinosasan.

Habang nakadapa ay hinawakan ang mga paa ng residente at diniinan ang likod niya at leeg, at sinipa sa ulo.

Humakot ito ng negatibong opinyon sa mga netizen:

@kindertutubi: “Yung gusto lang maghanap buhay para sa kakarampot na kita, poposasan. Pero yung nagnakaw ng 15B sa Philhealth, wala lang. Ang lungkot at nakakagalit. Tapos magtataka kayo bakit may aktibista.”

@not_alfonso: “Dahil ayaw. ibigay. ang kanyang. kariton. Hayop talaga ang kapulisan.”

@ramonbautista: “Mga ganitong sitwasyon ang mga tunay na recruiter ng npa ano po.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?