10

By

Research ng China sa Benham Rise, may go signal ng DFA

Sharing is caring!

Ibinulgar ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na pinayagan ng gobyerno ang China na magsagawa ng marine scientific research sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Alejano, inaprubahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang request ng Institute of Oceanology ng Chinese Academy of Sciences (IO-CAS).

Sasamahan aniya ito ng University of the Philippines-Marine Science Institute (UP-MSI) bilang bahagi ng requirement.

Sinabi ni Alejano na sakop ng proyekto ang eastern Mindanao at ang eastern Luzon kung saan naroon ang Benham Rise.

Nababahala ang kongresista sa development na ito lalo’t inaangkin ng China ang 80 porsiyento ng exclusive economic zone ng bansa sa South China Sea sa ilalim ng 9-dash line nito.

Binanggit din ng mambabatas na may kaparehong request para sa marine science research ang non-profit organization na Tara Expedition Foundation ng France pero tinanggihan ito ng pamahalaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?