85

Aug 3, 2022 @ 16:03
By

Resbak ng sinibak na empleyado: 2 apo ng amo kinatay, pera’t alahas tinangay

Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang bata matapos umanong burdahan ng saksak hanggang sa mapatay ng lalaki na sinibak sa trabaho ng kanilang lola sa bayan ng Santa Teresita, Cagayan.

Ayon sa ulat nitong Miyerkules, isang 5-anyos na babae at 6-anyos na lalaki ang mga napatay na biktima.

Kinilala ang suspek na si Jerry Genova, alyas Bentong, na itinali rin umano ang kanyang dating amo na si Evelyn Perez, 64, isang retiradong school principal.

Tinangay din umano ni Genova ang hindi pa batid na kabuuang halaga ng pera at alahas mula sa bahay ng mga biktima sa Barangay Villa.

Sa isinagawang pursuit operation nadakip ang salarin, na sinubukan pang tumakas kaya nabaril sa puwet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?