130

By

Reporter na tumestigo laban kay Sereno, may death threat

Sharing is caring!

Nakatanggap ng death threat ang mamamahayag na tumestigo sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara de Representantes.

Noong Biyernes ay dalawang beses na nakatanggap ng mensahe sa text si Jomar Canlas, reporter ng Manila Times.

Narito ang laman ng mensaheng pinadala kay Canlas:

“P****** mo Jomar Canlas, 3 kami ang papatay syo, marami ka na kasalanan sa amin, magbilin ka na sa asawa mo at anak mo, bago ka mamatay. Hdi to pananakot, ds time, talagang patay ka jomar.”

Natanggap ni Canlas ang banta ilang araw matapos siyang humarap sa pagdinig sa Kamara kung saan kanyang kinumpirma na base sa mga confidential information at document na kanyang nakuha mula sa loob ng Korte Suprema, minaniobra umano ni Sereno ang ipinalabas na temporary restraining order tungkol sa petisyon na inihain ng Senior Citizens Partylist laban sa disqualification na ipinataw sa kanila ng Comelec noong 2013 Elections.

Bukod sa kaso ng Senior Citizen Partylist, ibinunyag din ni Canlas ang diumano’y resulta ng psychiatric test ni Sereno noong siya ay aplikante pa lamang sa pagkapunong-mahistrado, at ang hindi umano pagkakasama ng kanyang kinita mula sa paghawak ng kaso ng PIATCO sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN). (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?