42

Jun 15, 2021 @ 19:30
By

Reporma sa pension system ng sundalo suportado ng DBCC

Suportado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang panukalang pagbabago sa pension system ng Military and Uniformed Personnel (MUP) upang matiyak na patuloy na mapopondohan ng gobyerno ang pensyon ng mga retirado.

Nagpasalamat si House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda sa pagsuporta ng DBCC, ang ahensya ng gobyerno na nagbabantay sa macroeconomic target, inaasahang kita, laki ng uutangin, at prayoridad sa paggastos na gagawin ng gobyerno.

“Nothing is more authoritative, as far as fiscal sustainability is concerned, than a clear statement from the country’s fiscal managers that we need this reform urgently,” sabi ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na nais ng DBCC na agad na maipasa ang panukala dahil nakita nito na maaaring hindi na kayanin ng gobyerno ang pagbabayad sa pensyon ng mga retiradong MUP.

Sa datos ng DBCC, lumaki ng average na 12.3% mula 2010-2019 ang gastos ng gobyerno sa pensyon ng MUP, mas malaki pa sa itinataas ng kita ng gobyerno.

Kung magpapatuloy umano ito ay maaaring mamroblema ang gobyerno kung papaano mababayaran ang pensyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?