355

Oct 22, 2017 @ 13:39

Reporma sa benepisyo ng pulis, sundalo tinutulak sa Kamara

Sinimulan nang i-consolidate ng technical working group (TWG) ng House committees on Government Enterprises and Privatization at National Defense and Security ang dalawang panukalang batas na naglalayong baguhin ang retirement benefit at pension system ng pitong pangunahing uniformed services ng gobyerno.

Ayon sa pinuno ng TWG na si Baguio City Rep. Mark Go, layunin ng bills na matugunan ang maraming concerns ng mga sundalo, pulis at iba pang nasa uniformed service.

Inihain nina Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano at Surigao del Norte Rep. Francisco Jose Matugas ang House Bills 1137 at 5673z

“The bills are both titled “Unified Uniformed Personnel Retirement Benefits and Pension Reform Act,” sabi ni Go.

Nakasaad sa naturang bills na kinikilalang estado ang panganib ng trabaho ng uniformed personnel kaya nararapat lang na bigyan sila ng nararapat na mga benepisyo partikular ng retirement benefits at pensiyon.

Sa ilalim ng bills, ang existing retirees at future retirees ay tatanggap ng buwanang retirement pay na katumbas ng two-and-a-half percent ng bawat taong pinagsilbihan sa serbisyo pero hindi lalampas sa 90 porsiyento ng buwanang base and longevity pay ng salary grade na sunod na mas mataas sa huling permanent grade.

Ang pitong major uniformed services ay kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA). (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?