602

Dec 12, 2017 @ 17:21
By

Repolyo, mabisang pampapayat

Good news para sa mga gustong pumayat. Alam n’yo bang may bisa pala na pampapayat ang pagkain ng repolyo. Mayaman sa fiber at water ang repolyo na maganda upang maiwasan ang constipation at upang magkaroon ng healthy na bituka.

Ang pagkain ng fibers ay mahalaga upang maalis ang mga toxin sa katawan ng isang tao. Nakakatulong din ang fibers upang maiwasan ang sakit sa puso, diabetes, cancer at obesity.

Bukod pa sa nakakatulong din ito para maiwasan ang obesity, diabetes at sakit sa puso.

Nakakatulong ang repolyo na malabanan ang sakit na cancer dahil sa taglay nitong sulforaphane. Ang sulforaphane ang nagbibigay ng bahagyang mapait na lasa sa repolyo at ito ay napag-aralan na nakakatulong upang maiwasan ang sakit na kanser tulad ng melanoma, esophageal, prostate at pancreatic cancer.

Ayon sa pag-aaral sa University of Missouri, mayroon din itong aspigenin na nakakatulong na paliitin ang mga tumor sa breast cancer. Mayaman din sa antioxidants ang pulang repolyo na mainam ding panlaban sa kanser.

Ang taglay na anthocyanin ng repolyo ay nakakatulong upang maiwasan ang pamamaga at mga sakit sa puso. Ayon sa American Journal of Clinical Nutrition, ang pagkain ng repolyo na mayaman sa flavonoids at polyphenols ay nakakatulong upang maiwasan ang pagbubuo ng dugo at pagtaas ng blood pressure. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?