433

Jan 2, 2018 @ 17:48

Replacement fee ng SSS ID cards, P200 na lang

Nabawasan ng P100 piso ang replacement fee sa identification cards ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Sa isang statment, sinabi ng SSS na P200 na lamang ang replacement fee para sa Unified Multi-purpose Identification (UMID) mula sa kasalukuyang rate na 300.

“We are happy to announce to our members that the proposal to reduce the replacement fee to Php 200 was already approved by the Social Security Commission (SSC) headed by Chairman Amado D. Valdez,” ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc.

Paliwanag nito, ang binawasang fee ay para sa mga miyembro na gustong i-update ang kanilang identification cards.
Hindi naman pagbabayarin ang mga miyembro ng SSS kapag ang nakuha nilang card ay may pagkakamali sa pag-encode ng mga datos mula sa ahensiya.

Sabi ni Looc, inaprubahan ni Chairman Valdez ang panukalang ito dahil bumaba din ang gastusin sa date capture service at ID card production.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?