9

By

Repeal ng TRAIN Law, iginiit ng Makabayan bloc

Sharing is caring!

Pinangunahan ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang paghahain ng House Bill 7653 para ipawalang-bisa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Zarate, hindi lang review o suspensiyon kundi repeal ang dapat gawin sa TRAIN Law.

“House Bill 7653 will repeal the anti-poor and anti-people provisions of the TRAIN law so as to lessen the burden of consumers, because they are the ones bearing the brunt of the TRAIN law,” sabi ni Zarate.

Sa ilalim ng bill ng Makabayan bloc, ipinababalik ang dating excise tax sa produktong petrolyo partikular ang zero tax sa liquefied petroleum gas (LPG), diesel, kerosene at bunker oil.

Ipinababawi rin ang ipinataw na excise taxes sa sugar sweetened beverages (SSBs).

Gayundin ang buong section sa distribution ng kita mula sa TRAIN na 70% sa build, build, build at 30% sa social measures.

Ipinababalik rin ang personal exemption na P50K at P25K kada dependent.

Gayundin ang Value Added Tax (VAT) exemption sa kuryente, pabahay at 3% tax exemption sa mga kooperativa, self-employed at professionals na kumikita ng 2 milyong piso pababa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?