26

Jul 4, 2020 @ 21:01
By

Repatriation ng 200 OFW na namatay sa COVID, purnada

Hindi natuloy nitong Sabado ang pag-uuwi sa mga labi ng mahigit 200 OFW na pumanaw dahil sa COVID-19 sa Saudi Arabia.

Ngayong July 4 ang itinakdang deadline ng Saudi para maibalik sa Pilipinas ang mga bangkay, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa “24 Oras”.

Paliwanag ni Bello, naantala ang paglalabas ng mga documentary requirement para sa repatriation ng mga OFW.

Sa kabila na hindi umabot sa deadline, susubukan pa rin aniya na maiuwi sa bansa sa susunod na linggo ang mga labi.

Samantala, nasa 354 OFW naman mula sa Saudi Arabia ang nakatakdang iuwi sa bansa sakay ng chartered flight.

Karamihan ng mga ito ay nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?