89

Nov 19, 2020 @ 10:12
By

Rep. Villar ayaw maging deputy speaker ni Velasco

Ilang oras matapos mahalal, tinanggihan ni Las Piñas Rep. Camille Villar ang posisyon bilang deputy speaker ng Kamara.

Sa kanyang liham para kay House Speaker Lord Allan Velasco, sinabi niyang mas gusto niyang tumutok sa responsibilidad sa kanyang mga nasasakupan kaysa makipagtulungan sa mga kapwa niya kongresista at sa mga House leader.

“It is an opportune time to work with my fellow congressmen and the leaders of the House of Representatives on policy measures that would give personal and economic relief to our kababayans amid the past disasters and the pandemic,” ani Villar sa liham na may petsang Nobyembre 18.

“But the greater tact is adherent responsibility to our constituents, the adroit loyalty to allies and friends and the constant affinity to the leadership and nation,” saad niya pa.

Gayunpaman, tiniyak ng Las Piñas Rep. sa Speaker ang kanyang commitment at suporta sa legislative agenda ng Kamara.

Isa si Villar sa tatlong mambabatas na nahalal bilang deputy speaker ng Kamara, bukod kina Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Buhay party-list Rep. Lito Atienza.

Si Villar ay kasapi ng Nacionalista Party, ang political party na kinabibilangan ng pinatalsik na si Speaker Alan Peter Cayetano, na pinalitan ni Velasco.

Anak din siya ng NP chairperson na si dating Senate President Manny Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?