35

Oct 8, 2021 @ 15:36
By

Rep. Lopez hihirit ng ikatlong termino

Sa halip na tumakbo sa pagka-alkalde, muling tatakbo si Manila Rep. Manny Lopez sa pagkakongresista sa 2022 elections.

Si Lopez ay naghain na ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) sa Maynila.

Siya ay kasalukuyang nasa ikalawang termino. Siya ay chairperson ng House Committee on Metro Manila Development na tumatalakay sa mga isyu at panukala na may kinalaman sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga residente ng National Capital Region (NCR).

Kamakailan ay inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez sa pagka-alkalde ng Maynila.

“I thank President Rodrigo Duterte for endorsing me as PDP-Laban’s mayoralty candidate in Manila. But after much reflection, I respectfully informed him of my desire to finish my term in Congress. The President graciously acceded to my request,” sabi ni Lopez.

Si Lopez ay anak ni dating Manila Mayor Gemiliano ‘Mel’ Lopez, Jr. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?