77

Oct 7, 2021 @ 14:50
By

Rep. Defensor, Councilor Castelo asam liderato ng QC

Naghain na ng certificate of candidacy si Anakalusugan Rep. Mike Defensor ngayong Huwebes para sa pagka-alkalde ng Quezon City para sa 2022 elections.

Kasama ni Defensor ang kanyang running mate na si vice-mayoralty running mate, incumbent Councilor at dating Rep. Winnie Castelo.

“We feel extremely honored and humbled that the people of Quezon City are showing us so much support,” sabi ni Defensor, na pamangkin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Kasama ng dalawa sina incumbent at reelectionist Quezon City Representatives Anthony Peter Crisologo (first district), Precious Hipolito Castelo (second district), at Allan Reyes (third district).

Naroon din sina Councilor Marvin Rillo, na congressional candidate para sa fourth district at dating Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo na tatakbo sa sixth district congressional candidate.

Kung mananalo nangako si Defensor na pagagandahin ang serbisyo ng Quezon City General Hospital (QCGH), isang referral facility para sa mga nahawa ng COVID-19.

“We envision the QCGH becoming a model in best practices for all local government hospitals. We will also double to 500 the hospital’s bed capacity,” sabi ni Defensor.

Dapat din umanong bigyan ng tax incentive ang mga lokal na negosyante upang agad na makabawi ang mga ito.

“We will also build up Quezon City’s life-saving emergency rescue capabilities, considering that the city has the highest number of road crashes in Metro Manila,” dagdag pa ni Defensor.

Batay sa datos ng Metro Manila Accident Reporting System, sinabi ni Defensor na ang Quezon City ay mayroong 22,494 road crash noong 2020, malayo sa 6,655 kaso na naitala sa Maynila at 4,508 kaso sa Makati City.

Dapat din umanong magtayo ng public drug abuse treatment and rehabilitation center sa lungsod.

Palalakasin din umano ang mga programa para sa sports at gagawing “most bicycle-friendly city” sa Metro Manila at magbubukas ng mga espasyo kung saan maaaring mag-ehersisyo ang mga tao. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?