158

Sep 20, 2021 @ 13:48
By

Rep. Atienza tumaya na kay Pacman

Suportado ni Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang pagtakbo ni Senator Manny Pacquiao sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Atienza, si Pacquiao ang tama na pumalit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Manny is the right man to lead the nation after this administration. We describe the man in four words: maka-Diyos, makatao, makabayan, makakalikasan,” sabi ni Atienza.

Ginawa ni Atienza ang pahayag matapos na tanggapin ni Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbo sa presidential race.

“We are in full support of his dream and wisdom of a prosperous life for every Filipino,” dagdag pa ni Atienza.

Si Atienza ay nasa ikatlo at huling magkakasunod na termino na bilang kinatawan ng Buhay party-list. Hindi pa nito isinasapubliko kung ano ang kanyang plano sa 2022 polls. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?