81

Jan 14, 2022 @ 17:14
By

Rep. Abante sa mga hindi bakunado: Maglalakad na lang sila?

Dapat umanong pag-isipan ng gobyerno ang ‘no vaccination, no ride’ policy na ipatutupad nito simula sa Lunes.

Ayon kay House Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante hindi lamang ang legalidad ng polisiya ng Department of Transportation (DOTr) ang kuwestyunable kundi tanong din kung ito ba ang tamang gawin.

“But the real issue for me is not whether orders like these are legal, but whether these are right; makatarungan ba ito? Makatarungan ba na sabihin natin sa mga di bakunado na bawal sila mag jeep o bus papuntang trabaho? Paano kung wala silang kotse? Maglalakad na lang sila?” sabi ni Abante.

Naniniwala si Abante na sapat na ang mga ordinansa ng lokal na pamahalaan upang limitahan ang galaw ng mga hindi bakunado at hindi na kailangan pa ang polisiya ng DOTr.

Nilinaw naman ni Abante na pabor ito sa mga hakbang upang mas maraming Pilipino ang mabakunahan laban sa COVID-19.

Si Abante ay dalawang beses na nagpositibo sa COVID-19.

“I know first-hand that vaccines work. I believe that as more of our countrymen find out that the vaccines are effective, fewer of them will be reluctant to get jabbed. We in government must work harder to convince the doubters to get vaccinated instead of forcing their hand,” dagdag pa ni Abante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?