20

Jan 5, 2022 @ 13:54
By

Rep. Abante positibo muli sa COVID-19

Muling nagpositibo sa COVID-19 si House Deputy Speaker at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr.

Ayon kay Abante lumabas ang resulta ng kanyang test ngayong Miyerkoles ng umaga.

“This is the second time I have contracted COVID. While at present I am only experiencing some body pain, I am currently being monitored by my doctors as a precautionary measure. Aside from being fully vaccinated, I have also received my booster shot––and it is clear, in my view, that the vaccines have helped me in these two bouts with the virus,” Abante added.

Napasabihan na rin umano ang mga nagkaroon ng close contact sa kanya sa mga nakaraang araw at pinayuhan ang mga ito na mag-self-quarantine at magbantay sa mga sintomas.

“As part of regular precautions we have undertaken in our home to protect ourselves, our family, and our loved ones from COVID-19,” sabi ni Abante.

Nanawagan din si Abante sa publiko lalo na sa mga senior citizen na magpabakuna. Tinatayang 1.5 milyong senior citizen pa ang hindi nababakunahan laban sa COVID-19.

Hinimok din ng solon ang publiko na sumunod sa ipinatutupad na health protocol.

“We join our countrymen in praying for the healing of those who have gotten sick from COVID, and for the safety of those in the frontlines of battling this disease,” dagdag pa ng solon. (Billy Begas)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?