26

By

Reopening ng Boracay, depende sa mga tubo ng dumi – Cimatu

Sharing is caring!

NANINDIGAN si Environment Secretary Roy Cimatu na hindi niya irerekomenda ang pagbubukas muli ng isla ng Boracay hanggang hindi nila nahahanap ang lahat ng tubo kung saan dumadaloy ang maduming tubig patungo sa dagat.

Ayon kay Cimatu, gumagamit sila ng high tech radar technology para mahanap ang mga tubo na nakalubog sa beach ng isla.

Sinabi nito na tatlo sa 33 ilegal na tubo na kanilang nadiskubre ay nakumpirmang pinagdadaluyan ng maduming tubig.

Giit ng kalihim hindi bubuksan ang isla para sa mga turista hanggang sa hindi nila naaalis ang lahat ng mga tubo.

Isinara ang Boracay noong Abril 26 habang ginigiba ang mga ilegal na istraktura sa isla at ang rehabilitasyon ay inaasahang tatagal ng anim na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?