23

Sep 17, 2020 @ 10:40
By

Reno liver spread ‘di rehistrado, FDA head windang

Tila mas matanda pa umano sa ulo ng Food and Drug Administration (FDA) ang brand na Reno Liver Spread.

Kaya nagulantang si FDA director general Eric Domingo nang madiskubre na hindi pala rehistrado sa ahensiya ang kilalang produkto.

“Pati po ako nagulat nang dumating ang initial report n’yan noong isang buwan. Sabi ko nga, mas matanda pa ata sa akin ang brand na ‘to, sigurado ba kayo?,” banggit ni Domingo sa ABS-CBN’s Teleradyo, Setyembre 17.

“Ini-double check, ini-triple check naman po. Talagang wala siya sa record ng FDA,” lahad niya pa.

Bukod sa Reno, may 9 pang produkto na nakasaad sa kanilang advisory na hindi FDA-registered.

Ayon kay Domingo, bibigyan ng pagkakataon ang gumagawa ng Reno para ipaliwanag ang insidente at para maparehistro ang kanilang produkto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?