23
patricia-fox
By

Renewal ng mapapasong visa, hiniling ni Sister Patricia Fox

Humihirit ang kampo ni Sister Patricia Fox sa Bureau of Immigration (BI) na ma-renew ang kanyang visa na mapapaso na sa Setyembre 5, 2018.

Ginawa ng Australyanong madre ang pagsusumite ng petisyon sa Central Receiving Unit ng BI kahit pa may nakabinbing deportation order laban sa kanya ang kawanihan.

Si Atty. Jobert Pahilga, abogado ng madre, ang naghain ng petisyon sa BI para kay Fox.

Gayunman, iginiit ng kanyang kampo na hindi pa naman pinal ang nasabing kautusan ng BI dahil naghain sila ng motion for reconsideration.

“Sister Patricia Fox will be able to avail of appropriate legal remedies to protect her rights as a duly-admitted missionary to the country,” ang nakasaad sa statement na galing sa kanyang kampo.

Umaasa ang panig ng dayuhang madre na mapagbibigyan ng BI Board of Commissioners ang kanilang kahilingan nang sa gayon ay maipagpatuloy ni Sister Pat ang kanyang missionary work sa Pilipinas lalo pa’t karamihan sa kanyang pinagsisilbihan ay ang mga mahihirap na mamamayan.

Ang kaso laban kay Sister Pat ay nag-ugat dahil sa diumano’y pagsali niya sa mga political activity sa Pilipinas gaya ng mga kilos protesta o rally at ito ay paglabag umano na umiiral na immigration laws sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?