32

Oct 25, 2020 @ 21:07
By

Remulla sinuspende klase sa Cavite

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Cavite sa Lunes, October 26 dahil sa bagyong Quinta.

Inanunsyo ito ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa social media.

“Kahit remote learning or modular asynchronous home study, due to typhoon QUINTA, classes in all levels are suspended Monday, October 26,” saad ni Remulla.

Paliwanag ng gobernador, kahit walang face-to-face class ay maaapektuhan ang internet connection, paghahatid ng module at mga posibilidad ng baha kaya sinuspende ang klase.

https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr/posts/3215996928510604

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?