11

Aug 13, 2020 @ 9:34
By

Remulla duda sa Russia vaccine

“As far as I know, the Russian data is UNAVAILABLE; their methodology is NOT open; and its efficacy has not been subject to a review and analysis.”

Ito ang rason ni Cavite Governor Jonvic Remulla kung bakit nababahala siya sa balita na maglalabas na ng bakuna para sa COVID-19 ang Russia, na suportado mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang vaccine update sa Facebook, Agosto 13, pinaliwanag ng gobernador ang pinagdadaanang clinical trials ng mga posibleng virus vaccine.

Binanggit niya na wala siyang galit sa mga taga-Russia, at hindi rin siya konektado sa iba pang vaccine manufacturer. Ang iniisip lang aniya niya ay kapakanan ng mga taga-Cavite.

Hinalimbawa pa ni Remulla na ang Russia vaccine ay baka matulad sa Dengvaxia vaccine na kumitil sa buhay ng ilang bata sa bansa.

“I am asking the Department of Health (Philippines) to PLEASE safeguard the process of review, approval, and appropriation of the COVID-19 vaccine,” pakiusap ng opisyal sa DOH.

“If we did not get the containment strategy right then let us ensure that the curative portion is done correctly. Please exercise CAUTION and have the people’s interest at heart.”

“There is no bigger decision than choosing a clinically tested and effective vaccine, at the correct time, at the fair price,” aniya pa.

https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr/photos/a.263478127095847/2995950237181942/?type=3&__xts__%5B0%5D=68.ARD1BYW5V9dPHM1eXcfNoR3z1Ibini4csPxPMzlGG91lIAa28bqlUCAXQ-W4QZbv7g95FLAw4Xqn4eGCmjGJNg81JFj-lOxv2MrWbysaYtn2nigxzlYMEchxfd3iW_d5GyoUxI_fF3lj3TKJd0bL-IvVB3-eOTW5eLiMSsxadk1Tf-c7oVR-zjehddJTxb-Tb7Y5BoKJmMVTq4RYwjiSBn90wnfXK5vGsWvHpfGDmD84iUUTSDXB3Wfxsw7rQLrvvagbf7a_mRJX0YNYLoqPcRcZXpNP97glWFkRwHgojA-ttlkDEvHT6i4J3SINVElNEyj1SuChvuY2-F5kSndDqSBe3g&__tn__=-R

Martes, inanunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na ang Russia ang unang bansa sa daigdig na nag-apruba ng COVID-19 vaccine matapos lang ang wala pang dalawang-buwang human testing.

Pero nagbabala laban dito ang Association of Clinical Trials Organizations at sinabing ang pagpapagamit sa madla ng COVID-19 vaccine kahit hindi pa tapos ang clinical trial nito ay magdudulot lang ng kapahamakan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?