7

Jul 23, 2020 @ 15:08
By

Remulla: COVID-19 ang importante, hindi Cha-cha

Para kay Cavite Governor Jonvic Remulla, dapat pagsilbihan muna ng mga pampublikong opisyal ang taumbayan kaysa ang mga sarili nila.

Kaya para sa kanya, ituon na lang muna ng gobyerno ang lahat ng atensiyon nito sa pagsugpo sa pandemyang coronavirus dahil apektado aniya nito ang lahat.

Sinabi niya ito matapos ilahad ng Department of Interior and Local Government kamakailan na tinutulak ng 1,488 municipal mayor sa bansa ang dalawang constitutional reform.

“Ako po ay sang-ayon na kailangan na ang pagbabago sa ating Saligang Batas. But is it the right time?” usisa ni Remulla sa Facebook, Huwebes.

“Ang COVID ay laganap at patuloy na kumakalat. Ang COVID ay nariyan pa. Hindi pa ito nawawala, bagkus ay lalo pang lumalaki ang problema ng bansa. This global challenge requires FOCUS and DETERMINATION. Our government must be singular in its effort to control the spread of the disease.”

“Dapat, wala tayo ibang unahin na kung ano ano. Pagtuunan sana natin ng singular na atensyon ang paglaban at pagsugpo sa pandemya at aksyunan lahat ng problema na dulot nito. Tsaka na yang Charter Change (ChaCha) or the proposed Amendments to the Constitution. Unahin ang IMPORTANTE. Let us serve the people FIRST before we serve ourselves,” aniya pa.

Sa kanilang ipinasang resolusyon, sinabi ng mga municipal mayor na gusto nilang lumaki ang kanilang share sa mga buwis na kinokolekta ng pambansang gobyerno, at alisin ang pagbabawal sa mga dayuhan na mag-invest at magmay-ari sa mga industriyang kasalukuyang limitado sa mga Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?