38
abante-tnt-vismin-OFW
By

Remittance ng OFWs sa Middle East, bumaba ng mahigit 15%


Nababahala si Leyte Rep. Henry Ong sa malaking ibinaba ng remittance ng mga overseas Filipino worker (OFWs) mula sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni Ong na base sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay nasa 15.3% o $601.8 million ang ibinaba ng OFWs remittance galing ng Middle East mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Bagama’t inaasahang tataas ito sa ikalawang bahagi ng 2018 dahil sa Kapaskuhan, hindi kampante ang kongresista dahil naitala ang pagbaba sa mga bansa na dating pinagmumulan ng malaking remittance gaya ng Saudi Arabia, Kuwait at Israel.

Paniwala ng mambabatas, umabot na sa saturation point ang OFW market sa Middle East.

Inirekomenda ni Ong sa gobyerno na unti-unti nang baguhin ang polisiya para sa deployment ng mga manggagawang Pilipino sa abroad.

“To prepare for slowdown of remittances from the Middle East as early as now the Philippines should start more new deployment to other countries where OFWs are welcome, needed, respected, and cared for. We should have bilateral labor agreements with them. They should be signatories to and have ratified international conventions on migrant workers,” ayon kay Ong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?