ABANTE-TNT bcda remmittance bureau treasury
By

Remittance ng BCDA, umabot sa P5B

Sharing is caring!

Sa unang taon ng administrasyong-Duterte, nakapag-remit ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Bureau of Treasury ng halos P5 bilyon.

Sa pahayag ng BCDA, ito na ang pinakamataas na kita para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa kanilang ahensiya at sa 25 taon ay nakakolekta na sila ng kabuang P36.6 bilyon para sa sandatahang lakas ng bansa.

Una nang nangako ang BCDA na patuloy silang mangangalap ng pondo para sa modernisasyon ng AFP at para sa mga benepisyo ng mga sundalo.

Gayundin ang pagtulong nila sa Departments of Finance at Budget and Management para sa pondo naman ng retirement benefits ng mga sundalo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?