61

Oct 9, 2017 @ 13:16

“Remembering Miriam”

By Milky Rigonan

“Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang bilbil, pilit ko mang tinatago, pero halata pa rin”.

Kung sa mga millennial, ang ‘pick up lines’ ni dating Senator Miriam Defensor Santiago ang pinakatumatak sa kanila.

Patok ito sa mga campus tour noon ni Senator Miriam.

Pero sa nakararaming Pinoy, higit pa dito ang pagkilala at alaala kay Senator Miriam.

Feisty. Iron Lady. One of the most popular Filipino politicians. One one of the best President we never had. Etcetera, etcetera.

First death anniversary ni Senator Miriam last September 29.

Timing din dahil naendorso na sa plenary ang Senate resolution para gawaran siya ng highest civilian service award.

Dalawang magkahiwalay na resolusyon ang inakda nina Senators Grace Poe at Sonny Angara para kila­lanin ang hindi matatawaran niyang kontribusyon sa bansa.

Ang Quezon Service Cross, in memory of the late President Manuel Quezon, ang highest national recognition of outstanding civilian service sa bansa.

Iginagawad ito ng Pangulo sa pamamagitan ng concurrence ng Senado at Kamara.

Sabi nga ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, “The late senator’s contribution to the country is beyond question. The President highly respects the lady”.

Sa kanyang Senate Resolution 517, sinabi ni Angara, “She deserves the Quezon Service Cross because rare is the Filipino who had served in the judiciary, the Cabinet and the legislature, and the rarest is the one who served in all with brilliance and distinction. She was a class of her own”.

Sa Senate Resolution 508, sinabi ni Poe, “Throughout the nearly five decades, she served the public, she exemplified academic, professional and moral excellence – values that she herself demanded of leaders, academic, professional, and moral excellence”.

Dahil sa reporma noon ni Santiago sa Bureau of Immigration (BI), naging dahilan ito kaya ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award for Government Service.

Ito ang Asian counterpart ng Nobel Prize dahil sa walang takot at moral leadership sa paglilinis sa BI na kilala noon bilang isa sa mga graft-ridden government agency.

Ilan sa mga batas na kasama si Santiago sa pagbubuo ay ang Responsible Parenthood at Reproductive Health Act; An Act Restructuring the Excise Tax on Alcohol and Tobacco Products; Children’s Emergency Relief and Protection Act; the Fair Election Act; the Oil Pollution Compensation Act; at Magna Carta of Women.

Si Santiago din ang kauna-unahang Filipina at unang Asian na naitalaga bilang judge ng International Criminal Court.

Sa dami ng accomplishments at naiambag ni Santiago, kumbinsido ang Palasyo na deserving ng Quezon Service Cross si Senator Miriam.

Sa nakalipas na Presidential election, hindi man katulad ng dati ang ipinakitang talas, tapang, at galing sa pagtatalumpati ni Senator Miriam dahil na rin sa sakit na stage 4 lung cancer, hindi ito na­ging hadlang para sa maraming Pinoy na umaasa at mangarap na siya ang susunod na manunungkulan sa Malacañang.

Sa ngayon, hinihintay ng Palasyo na matanggap ang mga resolusyon para magawaran ng Quezon Service Cross si Senator Miriam.

Sigurado na ang naturang award. Pero habang wala pa ang naturang pagkilala, para sa mga millennial, ang kopya ng ‘Stupid is Forever’ ang iniingatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?