10

By

Rematch vs Ateneo asinta ni JG De Liano

Sharing is caring!

Isang Finals rematch sa pagitan ng UP Fighting Maroons at Ateneo Blue Eagles, ‘yan ang nais ni Juan Gomez de Liano sa susunod na season ng UAAP men’s basketball.

“Definitely, we really exert for it this season hopefully next year we’ll be better,” wika ni De Liano nang matanong kung gusto niya ang UP-Ateneo 2 sa susunod na taon.

Sa Game 2 ng UAAP Season 81 Finals, pinangunahan ni De Liano ang opensa ng UP ng tumapos ito ng 24 puntos pero kinapos pa rin ito na maipuwersa sa isa pang laro ang Finals.

Nabanggit din ng Season 80 Rookie of the Year na paulit-ulit aniya na nababanggit ng mga graduating senior na magiging maganda ang kinabukasan niya at ito na ang panahon para pangunahan niya ang tropa.

“I’ll just continue what I do best, just be able to create for my teammates, give them good wins and be great leader and be more vocal to my teammates,” dagdag nito.

Tila sinisimulan na ng mas batang de Liano ang nakaatang na responsibilidad bilang bagong boses ng tropa nang ilang beses itong maispatan na nagsasalita para sa koponan.

“We just needed extra motivation, I just told them ‘kaya natin ‘to, why give up now? Were already here’, I just told them to basically to go all out. This is our last shot pero we fell short,” sabi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }