814

Jul 3, 2019 @ 10:52
By

Rematch ulit? Pacquiao, Morales muling nagkrus ang landas

Matapos ang naging ikatlong laban noong 2006, muling nagkita ang dating mortal na magkaribal na sina Manny Pacquiao at Erik Morales.

Sa Twitter, ibinahagi ng ‘Ang Pambansang Kamao’ ang muling pagkukrus ng landas nila ng Mehikano.

Tila nagpatikim pa si Pacquiao ng Morales vs Pacquiao part 4, na matatandaang isa sa mga pinakatanyag na trilogy sa kasaysayan ng boxing.

“Great to see my good friend Erik Morales. #MoralesPacquiao4? Lol This guy was a warrior in the ring,” ayon sa tweet ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?