138
mayweather5
Aug 4, 2018 @ 1:15
By

Rematch kay Pacquiao? Negosyo na lang – Mayweather

Imbes na rematch, negosyo na lang o kaya ay isabak na lang kay WBC at IBF lightweight champion Mikey Garcia.

Ito ang pinakabagong tugon ni undefeated boxing champion at retirado nang si Floyd Mayweather, Jr. kaugnay sa usapang rematch nila ni WBA weltwerweight king Manny Pacquiao.

“Actually, I’ma get on the phone with Pacquiao after this call (which he did) see if we can put him in position. There’s a lot of good competition out there that he could fight. “I wouldn’t mind making Pacquiao v Mikey Garcia,” lahad 41-anyos na dating boksingero sa panayam ng fighthype.com.

Masaya na umano siya sa kanyang retirement. Hindi siya takot kay Pacquiao at inrerespeto niya ito. Pero mas nanaisin na lamang niyang makipagnegosyo sa kapwa niya future Hall of Fame.

“It is was it is and Pacquiao is a future Hall of Famer, a hell of a champion and a hell of a guy. But the best man won and I was the best man,” diin nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?