73

By

Rematch kay Manny tuloy na? Floyd makikipagsuntukan na ulit

Lalaban ulit sa susunod na taon si undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr.

“Coming out of retirement in 2020,” sey ni Floyd sa kanyang opisyal na Instagram account na @floydmayweather.

Matatandaang nakasagupa ni ‘Pretty Boy’ Floyd si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao taong 2015 na binansagang ‘Fight of the Century’ o ‘Battle for Greatness’ kung saan naging pinakamabenta ito sa kasaysayan ng boxing.

Nanalo si Mayweather via unanimous decision.

Taong 2017 naman ay hinarap rin ni ‘Money’ ang British Mixed Martial Arts (MMA) fighter na si Conor McGregor na isa rin sa bumenta sa takilya ng masa matapos tanghaling ‘The Money Fight’ at kanya itong napatumba sa 10th round na nagbigay sa kanya ng 50-0 win-loss record para malampasan ang historic record na nilista ni Hall of Famer Rocky Marciano na 49-0.

Kasalukuyang undefeated pa rin ang American-boxer at wala pa namang biinbigay na pangalan or listahan ang TMT Promotions kung sino ang susunod na kakaharapin ni Floyd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?