139

Feb 29, 2020 @ 16:08

Relos ni Heart, milyones ang presyo

Naispatan si Heart Evangelista habang suot ang isang relo na tumataginting na P6 milyon ang halaga.

Sa Instagram post ng fan account na @heartevangelistacloset, isa raw Lady Arpels Pont des Amoureux Jour watch ang relos ni Heart, na dalawang beses umanong sinuot ni Heart noong January 12 at February 12.

Ang brand nito na Van Cleef & Arpels ay isang French luxury accessory at perfume brand.

Napapalibutan ito ng rose gold at diamond kaya nakakalulang $119,000 o mahigit P6 milyon ang halaga nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?