113
Relo para sa mga dugong UP Maroons, makakatulong sa varsity
By

Relo para sa mga dugong UP Maroons, makakatulong sa varsity

Muling nagbabalik ang University of the Philippines-themed na Seiko watch na bukod sa magandang disenyo nito ay paniguradong may mabuti ring mapupuntahan ang benta mula dito.

Sa site nitong https://thecharterwatch.com/, makikita ang relo na maroon ang kulay, masisilayan din ang maliit na Oblation na kukumpleto sa pagiging maka-Isko at Iska ng nasabing accessory.

Sa background naman ay mapapansin ang ilang mukha na nagpapabatid ng hindi matinag na personalidad na tatak-UP.

Binansagang UP Charter Watch, ito ay isang fundraiser event na sinimulan ng NowhereToGoButUP Foundation, ang official U.P. Alumni Group na kinikilala ng UP administration. Naglalayon itong tulungan ang bawat varsity team ng unibersidad base sa kani-kanilang pangangailangan.

Nagkakahalaga ang UP Charter Watch ng P19,000 at bawat proceed na makukuha dito ay maitutulong sa mga student-athlete ng nasabing unibersidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?