85

Oct 19, 2017 @ 16:36

Religious groups, sanib-puwersa sa Bangon Marawi

Nagsama-sama ang malalaking faith-based organization na mula sa tatlong sekta ng relihiyong Kristiyano sa bansa para tumulong sa rehabilitasyon ng Lungsod ng Marawi.

Kasama sa mga dumalo sa pagpupulong ang 23 faith-based organization (FBO) na kinabibilangan ng NASSA/Caritas Philippines mula sa Simbahang Katoliko, National Council of Churches in the Philippines (NCCP), at Philippines Council of Evangelical Churches (PCEC)-Philippine Relief and Development Services (PHILRADS).

Tumutok ang pagpupulong sa temang “Transforming Faith into Action,” kung saan pinag-usapan ang mga dapat na gawin para maabot ang pangmatagalang kapayapaan sa Marawi City.

“We are now considered to be the strongest alliance of FBOs in the country with over 30,000 local churches, national organizations and international affiliations, and it is imperative that we do our share to help our Maranao brothers and sisters,” ang pahayag ni Bishop Noel Pantoja, National Director ng PCEC.

Nagkakaisa sa pananaw ang mga kinatawan ng FBO na mahalagang makonsulta at makipagtulungan ang mga apektadong komunidad sa pagpaplano at pagpapatupad ng planong rehabilitasyon sa Marawi.

Ilan umano sa kanilang mga nakausap na residente sa lungsod ay naniniwalang ang dapat na mabigyan ng prayoridad sa rehabilitasyon ay ang pagtatayo ng mga bahay, eskwelahan at mga moske.

“Part of the action plans now is to come up with a Philippine FBO Forum (PFF) that would be the central platform of the FBOs in responding to humanitarian and development needs of the poorest and the most vulnerable, and the displaced and the marginalized,” saad ni Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng NASSA/Caritas Philippines,.

Idinagdag pa ni Gariguez na sinisimulan na ang proseso ng healing o paghilom sa mga residenteng naapektuhan ng digmaan. Maricel Diaz

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?