19

Sep 12, 2021 @ 21:21
By

Religious groups: Pagboto sa 2022 seryosohin

Ilang mga religious group ang nagpaalala sa publiko ngayong Linggo na seryosohin ang pagboto sa 2022 elections dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bayan.

Nanguna sa panawagang ito ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP).

“Tayo ang gagawa ng ating tadhana, tayo ang gagawa ng ating kwento, sino ang gusto nating maging leader in the next six years,” pahayag ni AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Christian Buenafe.

“So please please nakikiusap ako…. sa mga may bahay, pamilya, mga kabataan karapatan natin ito sabi nga magparehistro na kasi your vote is your sacred right, obligasyon mo ito, ibinigay ng Diyos ang free will to choose who will be our leaders,” dagdag pa nito.

“Marami pong politiko na nagpapakilala na talaga…kaya dapat maaga rin tayong magprepare sa election kasi kung sila one year ahead, dapat tayo mas ahead sana sa kanila,” sambit naman ni PPCRV Board of Trustee member Msgr. Julius Perpetuo Heruela.

Ayon kay Heruela, parte ng panawagan ng PPCRV ang pag-iikot upang mapalaganap ang voter education.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?