118

May 31, 2019 @ 14:22
By

Relationship Goals! Bato, misis na si Nancy nag-renew ng wedding vows

Kahit matagal nang mag-asawa, hindi pa rin nawawala ang init ng pagmamahalan ni Senator-elect Bato dela Rosa at asawa niyang si Nancy at nag-renew ng wedding vows sa kanilang 30th anniversary.

Dumalo sa seremonya na ginanap sa Davao City ang pamilya at mga kaibigan ng mag-asawa.

“If I have to choose again, I would choose you Langga, in many lifetimes. Always, and forever. Happy 30th wedding anniversary Langga,” sabi ni Bato sa Facebook post.

Ibinahagi rin niya ang video ng ginanap na renewal of vows na very touching.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?