6,458

Oct 20, 2019 @ 16:04
By

Relasyon ni Atong Ang, Nicole Barretto, kumpirmado sa dating post ni Claudine

Taong 2014 pa ay magkarelasyon na ang mayamang sabungerong si Charlie ‘Atong’ Ang at pamangkin ng magkapatid na sina Gretchen at Claudine na si Nicole Barretto.

Ito ay nakumpirma sa pag-uungkat ng ilang netizen sa mga dating post ng Facebook page ni Claudine, na makikitang kasama niya sina Nicole at Atong.

“Mr.Atong Ang & the love of his life Nicole Barretto & i with the Love birds:) @colebarretto,” ayon sa caption.

Matatandaan na inakusahan ni Nicole ang kanyang tita na si Gretchen nang pang-aahas kay Atong kaya siya iniwan nito.

Sa isang kumalat na convo ni Nicole at isang Instagram user, sinabi nito na pumunta siya ng Amerika para maka-move on kay Atong Ang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?