23

By

Rekomendasyon sa martial law extension, binigay na kay Duterte

Sharing is caring!

Ibinigay na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang panig o rekomendasyon kay Pangulong Rodrido Duterte kaugnay sa umiiral na martial law sa Mindanao.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero nitong weekend, ibinigay na nila ang kanilang rekomendasyon sa Malacañang.

Pero hindi na muna inihayag ng opisyal kung ano ang kanilang naging rekomendasyon dahil ipinauubaya niya na ito sa Pangulo.

“Meron na, that is for the President to determine, I’m not at liberty to disclose ‘yung recommendation namin last weekend,” sabi ni Guerrero.

Paliwanag pa nito, security situation sa bansa, mga development sa security nationwide at mga sitwasyon sa mga lugar na may presensiya ng mga terorista ang nakapaloob sa kanilang isinumiteng rekomendasyon.

Habang hindi rin nagkomento ang opisyal kung may posibilidad na pairalin ang martial law sa buong bansa lalo’t nationwide umaatake ang mga miyembro ng New People’s Army.

Sinabi ni Guerrero na bahala na ang Pangulo na magdesisyon kaugnay dito.

“First and foremost ‘yung security situation natin and development nationwide most especially sa affected areas,” sabi pa nito. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?