87
Abante-TnT-Ombudsman-hindi-pasisindak-kay-Duterte---Hontiveros

Reklamong katiwalian isasampa ni Gadon vs Sereno sa Ombudsman

Sharing is caring!

Hindi pa man natatapos ang impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara, isa pang reklamo ang isasampa umano ni Atty. Larry Gadon laban sa Punong Mahistrado.

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Gadon na magtutungo siya sa Lunes sa Office of the Ombudsman upang sampahan ng reklamong katiwalian si Sereno dahil umano sa pag-hire ng SC ng IT consultant na ‘di dumaan sa tamang procurement process, ayon sa DZMM.

Kasama rin umanong sasampahan ng reklamo ni Gadon ang iba pang opisyal ng Korte Suprema.

Samantala hinahanda na rin umano ni Gadon ang isasampang kaso laban sa mga opisyal ng Judicial and Bar Council matapos gawing nominee si Sereno sa pagiging Chief Justice sa kabila ng kakulangan ng mga dokumento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?