27

Aug 14, 2020 @ 15:28
By

Reklamo sa SAP pwede na isumbong

Naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng website para maiparating ng publiko ang mga hinaing sa implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nagawa ang “uSAPtayo” website sa tulong ng technical support ng World Bank at ng Australian government.

Bukas aniya ang uSAPtayo website 24/7, na dagdag sa mga hotline ng ahensiya at mga social media account na ginawa para sa mga reklamo sa programa.

Mayroong apat na hakbang para magreklamo: una ay bumisita sa www.usaptayo.dswd.gov.ph; pangalawa, i-click ang makipag-usap; pangatlo, mag-fill out ng impormasyon at mag-upload ng mga supporting document o proof; at pang-apat ay i-click ang submit.

Samantala, maliban sa uSAPtayo website, maaaring magtanong o magbigay ng feedback sa pamamagitan ng hotline ng DSWD na 0947-4822864, 0916-2471194 at 0932-9333251.

Pwede rin sa text message sa 0918-9122813 o bumisita sa Facebook at Twitter account na @dswdserves.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?